Mahal,
Nais ko sanang ipaulinig sa’yo ang isang awit
Na kailanma’y di naisusulat pa
Ng pusong tila pagod nang sumayaw mag-isa
At nais kumawala sa parisukat
Ng damdaming matagal na ikinimkim at iningatan
Sa kaigtingan ng aking pagkilos at pag-iisa,
Natagpuan ka…
O marapat na sabihing dumating ka…
Hanggang tayong dalawa ay bahagi ng
Digmaan ng ating panahon
Mga kamay mo’y di bibitawan
Kung katumbas nito’y walang pares na kadustahan
Kasabay ng pagsikat ng pulang araw sa silalngan
Hanggang sa pagbubukang- liwayway ng dapithapon
Sa maamong paghampas ng alon sa dalampasigan
Ang isang pag-ibig na di magmamaliw
Isang pagsintang kailanma’y di yayao’t di lilisan.
written by: Judy Abbott
maka-nose bleed…:( jijiji..pwo nice!
LikeLiked by 1 person
thanks Lyneth!
LikeLike
Reblogged this on Freedom Avenue.
LikeLike
nice
LikeLiked by 1 person
thanks Arken!
LikeLike
Nice 🙂
LikeLike