If Only

Standard
If Only

CHAPTER 1

Good morning to all passengers! Please fasten your seatbelt ‘coz few minutes from now we are about to land at Davao International Airport . Hope you enjoy your trip and have a nice day!”

Biglang nanumballik sa kasalukuyan mula sa malalim na pagmumuni- muni si Agnes nang magsimulang magsalita ang isa sa mga playt attendants ng Philippine Airlines. Matapos mapakinggan ang maamong boses ng babae, masasalamin sa kinauupuan niya ang tensiyong di niya halos maipaliwanag. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dala marahil ng galak sapagkat matapos ang maraming taon ay muli siyang tutuntong sa lupang pinaglak’han sakbibi ang mga pagbabago. Nasasabik din siyang makita ang mga kaibigan niya.

“ Lima . Limang taon na pala ang lumipas. Parang kahapon lang nangyari ang lahat…” bulong ni Agnes sa sarili habang malayang tinatanaw mula sa bintanang eroplanong sinasakyan ang malawak na himpapawid.

Mula doo’y kita niya ang malawak na lupain ng Mindanao na napapaligiran ng mga bundok at dagat. Kaaya- ayang tignan. Sawa na siya sa mga naglalakihang gusali sa Manila . Pero natitiyak niyang hindi ‘yon ang dahilan kung bakit siya uuwi. Siyempre hindi. Sa likod ng kanyang isipan muling nanumbalik ang isang tagpong pilit niyang ibinaon sa limot.Parang nakakabinging alingawngaw mula sa kung saan ang mga katagang minsa’y pumunit sa kanyang pagkatao.

“And you expect me to believe that?” he snapped.
Si Agnes ang unang nagbaba ng tingin dahil puno ng pag-uusig ang mga mata nito.
“But I only did that to protect you, Erwin!” garalgal ang tinig na sabi niya.
What more could she say to defend herself?
“Mahal kita pero im too tired and mad to think about you right now. Kung hihingi ka man ng tawad ngayon, wala ring magbabago. You’ve done too much, Agnes. Tama na,” isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa kanya bago humakbang palayo.
“Erwin…” mahinang sambit niya sa pangalan ng lalaki.
But he was too angry to listen.
Paano niya maipapaliwanag ang kasalanan!
“Bakit mo nagawang maniwala sa iba, Erwin” pigil ang mga luhang sambit niya.
Habang papalayo ang lalaki, isang masaganang luha ang dumaloy sa kanyang mga pisngi.
Wala na ang lalaking labis kong minahal at halos sambahin ko.
She stiffened for seconds. Malamig ang simoy ng hangin noon na parang nagbabadyang umulan.

Maya-maya pa’y naghahanda na ang mga pasahero sa paglanding.
Nang mailapag ng eroplano ang sarili sa malapad na paliparan.
“This way ma’am,” nakangiting salubong ng isang binatilyong gard habang tinuturo nito ang arrival area upang kunin ang iba pa niyang dala.
Isang surprise ang pag-uwi niya kaya pumara siya ng isa sa mga taxi na nakahilera sa labas ng aireport. Habang binabagtas ang kahabaan ng daan, napansin ni Agnes ang malaking pagbabago sa lungsod. Namiss niya tuloy ang dati niyang buhay bago pa mag desisyong lumuwas ng Manila.

“Mama!” tila nagulat pa ang mama ni Agnes nang makita siya. Trienta minutos lang ang biyahe mula airport pauwi sa bahay nila.
“Meng? Meng, ikaw nga!” gulat ngunit nakangiting tanong ni Aling Diding gamit ang palayaw niya.

Sabik na niyakap niya ang ina. May kanya – kanya nang trabaho at pamilya ang maga kapatid ni Agnes kaya ang mga magulang lang nila ang nakatira sa kanilang bahay. Maging ang ama niya ay nagulat din sa di inasahan niyang pag-uwi.
Dahil sa labis na namiss ang isa’t-isa, ginugol nila nag buong maghapon sa pagkukwentuhan. Pinag-usapan nila ang tagumpay at karanasan ni Agnes sa Manila bilang isang photographer ng isang sikat na fashion magazine. Paminsan-minsan ay pumupunta siya sa Singapore dahil doon nakabse ang main office ng naturang magazine.

“Where on earth did you hide yourself, Agnes?” tila may bahid na pagtatampo sa boses ni Lovely nang makipagkita siya sa kaibigan ilang araw mula ng nang makauwi siya.
“Si Erwin ba ang dahilan?” Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ng kaharap.
Nasa Matina Town Square sila noon habang tanaw ang mga taong namamasyal din sa naturang lugar. Isa ito sa mga matao at kilalang pasyalan at kainan sa lungsod ng Davao kaya di kataka takang maraming tao nang magkita silang magkaibigan doon.
“Oie, alam mo na ba…”
“He hates me so much kaya di ko na inaasahan pang magkikita kami ulit,” putol niya sa iba pang sasabihin ng kaibigan. Alam niyang may ibabalita ito tungkol sa dating kasintahan.
“Agnes, sarado sa paliwanag ang buong pusong nasaktan. Nakakagawa tayo o nakakapagsalita nang di na pinag-iisipan. Kung galit siya sa’yo, noon iyon pero malay mo iba na ngayon. Panahon lang naman ang laging gamot sa sakit eh.”
“At isa pa —” may sasabihin pa sana ang kaibigan nang biglang tumunog ang cellphone ni Agnes.

Bruhita ka, Agnes!” napakislot siya sa tinuran ng nasa kabilang linya. Di man ito nagpakilala, pamilyar sa kanya ang boses ng kaibigan.
“Portia? Aba, buhay ka pa pala?” biro niyang tanong rito.
“Nag-change ka na naman ng number noh? May pinagtataguan ka na naman siguro,” habol niyang biro.

Matalik niyang mga kaibigan sina Lovely at Portia. Sa college silang tatlo nagkakilala at ngayon nga ay may kanya-kanya na silang trabaho. Hindi niya akalaing magki-click silang tatlo dahil sa pagiging elitista ng mga ito. Pero nang makilala niya at makasama sa halos lahat ng pagkakataon, she found out they were just spoiled. Other than that, they were genuine friends.

“Agnes, kung may dapat mang magpaliwanag dito ikaw po ‘yon. Bakit hindi ka man lang nagpasabing uuwi ka ng Davao?” may himig pagtatampong saad nito.
“Okay, I’m sorry…kasama ko si Lovely ngayon. Let’s meet somewhere tonight. What do you think? Ako ang taya. Kaya it’s a reunion of the Powerpuff Girls,” narinig niyang tumawa si Portia at nagmamadaling nagpaalam. Parang isang batang excited mamasyal.
Alam niyang may tampo ang mga ito. Pero siyempre hindi rin naman lingid sa kaalaman ng mga ito ang mga nangyari sa kanila ni Erwin.
Aminado siyang nawalan siya ng panahon sa mga ito.
O, ‘yon nga kaya ang dahilan?
Siguro nga’y sinadya niyang ‘wag masyadong makipagkeep-in-touch sa mga ito. Alam niya kasing kapag nagbalitaan silang tatlo, mapupunta lang kay Erwin ang usapan.
Please I don’t wanna hear anything about him anymore, protesta niya no’ong minsang nagkausap sila ni Portia sa telepono. Kaya nga minsan lang siya makipag-communicate sa mga kaibigan niya. But she knew how she missed them so much.

Agnes was wearing a mini black halter dress kaya naman litaw na litaw ang makinis at maputi niyang balat. Of course, a pair of red pumps made her stand taller. Sa taas niyang 5’6, hindi na niya kailangang magsuot ng matatayog na sapatos. But she chose to wear them dahil espesyal ang gabing ‘yon para sa kanilang magkakaibigan. She decided to bring a sheer scarf just in case ginawin siya sa haba ng gabi. Her hair was as fabulous as ever. Hinayaan niyang nakalugay ito with big curls on its end. Her shiny, little purse made her entire look more appealing.

Hindi siya sanay gumimik o makipagsosyalan sa Manila. Pero dala ng kanyang trabaho bilang photographer, she had to learn the ‘tricks and tips’ of the fashion industry and print media. At the same time, she’s on her way to being a fashion editor ng pinagtatrabahuang magazine. Kaya naman most of the time, she had to dress like one of those models and socialites. Minsan nga ay napagkamalan siyang model ng isa sa mga organizers ng isang fashion show sa Shangri La no’ng minsang na-assign siyang i-cover ang naturang event. With every thing in this world to be thankful about, she was glad she had chosen this path.

She did everything para makalimutan ang nakaraan. And all she believed in, Patay na ang dating Agnes…
Lagi niyang isinisiksik sa utak niya na hindi na niya mahal si Erwin. All she could hope for is for the man to be happy whoever he is with.

“Agnes! Wow, ang ganda mo babae ka,” manghang saad ni Portia nang magkita silang tatlo sa Jack’s Ridge, isa sa mga paborito nilang tambayan noong college pa sila. It’s a famous resto-resort in the city. Overlooking ang buong siyudad at masarap ang simoy ng hangin lalo na kapag gabi. Kaya naman maraming pumupunta sa lugar na ‘yon just to unwind, dine and meet with friends and loved ones.

Nauna silang dumating ni Lovely sa resto-bar ng naturang resort. Aside from the sumptuous array of food, gustung-gusto nilang makinig ng live band kung saan pwedeng makinig ng mga paborito nilang kanta ang mga costumers. Sa bandang kanan ng maliit na stage matatagpuan ang isang mini bar.

“Thanks, ikaw din. You look good, the two of you, actually,” she uttered with full sincerity. Hindi naman nagpahuli ang dalawang kaibigan niya, sabihin pang sanay ang mga ito sa night life.
“Na-miss ko kayong dalawa,” maluha-luha niyang pahabol.
“Asus, mag-dadramahan ba tayo rito? Humanap na nga lang tayo ng mauupuan. Parang magsisimula na ang live band any minute from now,” putol ni Portia sa iba pa niyang sasabihin. Kahit kelan ayaw nito ng maraming kadramahan sa buhay.
Humanap sila ng table na malapit sa stage para tanaw na tanaw nila ang bandang tutugtog ng gabing ‘yon. Umorder siya ng vodka para sa kanilang tatlo. Nagsimula nang tumugtog ang banda.

Maya-maya pa’y tumayo si Portia, tinungo ang stage at kinausap ang isa sa mga vocalists ng banda na katatapos lang ng isang kanta. Nagulat pa siya nang magsalita ito sa microphone.

“Ammm, good evening everyone. I just wanna take this opportunity to greet and welcome my long lost friend, Agnes Quintero. she just came back from Manila, actually,” buong siglang saad ni Portia na para bang isa siyang pulitikong nangangampanya.
Nagulat man ay pinandilatan niya si Portia ngunit ‘di ito pinansin ng huli. Pagkuway sumenyas na tumayo siya.
“C’mon Agnes, it’s not a bad idea, anyway,” pangungumbinsi ni Lovely sa kanya na bahagya ring nagulat sa ginawa ni Portia.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kinauupuan at pumihit paharap sa mga tao. Inulan siya ng mga hiyawan at palakpakan lalo na sa mga kalalakihang nakaupo sa likuran nila. Wala siyang nagawa kundi ngumiti at pagkuwan ay umupo. Hindi niya tuloy napansin ang bulto ng isang lalaki na nasa bandang likuran nila. Maging ito ay nagulat. Nakilala niya agad si Portia pero di niya inaasahang andito rin ang babaeng pilit niyang kinakalimutan – si Agnes.

You have changed a lot, Agnes, bulong ni Erwin sa kanyang sarili habang tinititigan ang babaeng minsa’y naging bahagi ng buhay niya. He had always loved that simple lady na nakilala niya noon pero sa tingin niya’y nagbago na si Agnes. Ang tanging alam niya tungkol dito ay nagtatrabaho ito sa isang women’s magazine sa Manila.

How could he forget her? She left a scar on his heart na hanggang ngayon ay ‘di pa rin naghihilom dumaan man ang mga taon.

“Girls, got to go to the rest room,” nagpaalam muna sandali si Agnes sa mga kaibigan. She needed to freshen up. Instead of going back to the resto-bar, ipinasya niyang maglakad-lakad sa buong resort. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin. Sa ilalim ng maliwanag na buwan, she could take a nice view of the whole place. Medyo madilim sa bahaging iyon ng resort pero ayos lang sa kanya. It was all that she needed, a quiet place. Tanaw niya ang boung siyudad. The cold breeze of the wind was caressing her. It is surely a great place to getaway from a chaotic day.

Na-miss ko ang lugar na ‘to and it feels good to be back, bulong niya sa sarili at saka ngumiti.
matagl-tagal din siyang nakatayo doon. The place is so memorable to her. Madalas din silang mamasyal ni Erwin sa naturang resort – and those were bitter-sweet memories.

Erwin…she whispered his name in the air.
“Did you just say my name?” blangko ang tonong sinabi ng nagsalita.
Napakislot siya. She knew that voice, the voice she missed all the time.
Natigilan siya. She tried to convince herself na baka dala lang ‘yon ng nainom niya o kaya’y ng hangin. Pero hindi e, there was somebody behind her.
Her world went to a slow motion when she turned around and saw the person she least expected to see that night.
She just stared at him. Biglang nablangko ang utak niya. Her heart was beating erratically. Much more with anything ay gusto niyang makita ang binata. Ngunit hindi sa ganoong hindi inaasahang pagkakataon.

“Hey, have you lost your tongue?” blangko ang expresyon sa mukha ng kaharap.
Oh, my God! sigaw ng utak niya.
She had to hold on to her guts and confidence. Pero parang nalulusaw ‘yon sa mga sandaling ‘yon.
“I-I didn’t know —“
“Kumusta ka na?” biglang tanong nito sa kanya.
“I-I’m fine,” nagkakandabulol na sagot niya.
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Nakikita ko nga,” he smiled sarcastically.
His tone was different. Even his eyes showed something unclear to her. Hindi siya sigurado, pero ang alam niya’y galit pa rin ito sa kanya.

“Excuse me, I have to go back to —“
“Hindi ba kayo nagkatuluyan ni Ryan?” saad ng binata nang akmang aalis siya.
“Erwin please —“ nagulat siya nang tabigin nito ang braso niya at marahas na humarap sa kanya.
“Dammit, Agnes!” she saw anger in his eyes. Napaatras siya dahil pakiramdam niya ay sasaktan siya nito.
“Erwin, nasasaktan ako,” aniya sa nahihirapang tinig. Ramdam niyang nakainom ang binata.
“You know me very much, Agnes. Ayokong manakit ng tao pero sa kasalanang nagawa mo sa ‘kin hindi ko maipapangakong hindi kita kayang saktan.”

Tinangka niyang lumayo rito ngunit ayaw siya nitong pakawalan.
“Hindi. Hindi kami nagkatuluyan ng pinsan mo,” she answered coldly.
Nagpakawala ito ng pagak na tawa.
“Well, I have a theory. Hindi ka ba nakontento sa bank accounts ng pinsan ko so you dumped him just like what you did to me?” may panunuyang saad nito.
Nagkakamali ka! sigaw ng buo niyang pagkatao.
Pero mas mabuting hindi na malaman pa ng binata ang totoo.

“Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin? Kung galit ka pa rin sa akin dahil sa mga nangyari noon, pinagsisihan ko na ‘yon. I never meant to hurt you, Erwin. May kasalanan ako. Pero hindi ‘yon sapat para insultuhin mo’ng pagkatao ko,” galit at umiiyak na sabi niya.
“Narinig ko na ang dapat kong marinig,” malamig na saad nito. Pagkuwan ay bigla itong tumalikod at umalis.
Naiwan siyang tulala at lumuluha…

Itutuloy…

The Featured Image:

if+only

6 responses »

Leave a reply to MC_Chika Cancel reply